hi (^^) thank's for viewing!!!!

Monday, September 27, 2010

......3rd timer flight sa JPN

magandang gabi po sa inyo........medyo naging busy.........kaya ngayong lang po uli naka open ng blog,......ituloy na po natin ang kwento sa 3rd timer ko(JPN),.....ganun uli,pagka uwi ng pinas,....kinabukasan punta agad sa promotion para mag praktis ng show namin,.......pero naisip ko rin noon.....habang nag papraktis ng sayaw (for show)"bakit ba kailangan mag praktis at mag sayang ng pagod at oras ,e hindi naman kami talaga nag so show,.....halos gabi-gabi....nakaupo kami sa table at mga lasing naman"........pero sa tulad ko gustong kumita ng yen......tayong mga pilipino susunod na lang......para na rin kasi sa mga mahal natin sa buhay.....ang sumunod na flight ko naman ay sa FUKOUKA,tinatawag nila KYUSHU........dun pa sa part ng SHIMABARA.......probinsyang-probinsya naman ang dating........malayo dito sa tinitirahan ko ngayon sa OSAKA.......ang SHIMBARA yung bulkan nila ay magkarugtong ng bulkan natin sa Pilipinas......ito ay Mt.Pinatubo...........mabalik tayo sa kwento.....maganda ang naging trabaho ko dito....kabaligtaran ng naging trabaho ko sa OKINAWA.......pero iisa lang naging karansan ko....yun ay yung laging lasing pero hindi naman singgrabe ng naransan ko dun sa OKINAWA......mabait naman ang mama san namin....halos kung ituring kami mga pilipina parang mga tunay nyang mga anak na rin......halos ang mga naging kasama ko rito puro beterana na....ako lang ang pinaka bata sa kanila,and 3rd timer lang ako....so parang baby nila ako....kaya ang tawag nila sa akin "bunso".........ganyan ang mga bansag nila sa mga kasama nila na alam nila na mas bata sa kanila at hindi pa bihasa sa tarabaho sa club......dito sa SHIMABARA.....maganda ang naging takbo ng job ko,kahit na lasing ka araw-araw,......mag sasawa ka naman sa tip......galante ang mga customer,........at ang dami ko lagi request sa table,...kasi pag may nag request sayo sa table na umupo ka sa customer may extra pay yun......mabenta ang beauty ko (^^)......bihira din kami makapag show sa dahilan mga naka inom na rin kami,hindi na pinipilit na mama san na mag show pa kami........basta daw pakitunguhan daw namin yung customer ng maigi.........ibig sabihin nun ay dag-dag bolahin namin ang customer para maka order ng kung anu-ano para malaki ang kita ng club.......actually ako ang no.1 sa club nung time na yun.....dami ko customer........dami request........at pinaka malaking kita sa bawat request payment list......may ranking kasi kami for 1month........at kung sino yung malaki kumita.....may extra tip kay mama san...........iba-iba ang dumarating na customer dun sa club........may mga 20's......30's .....pero karamihan mga matatanda......pero kahit na ganun na katanda sila....mababait naman....kasi galante mag bigay ng tip.....he he heeeee.........hindi rin ako nakaranas na manghipo ang customer tulad ng naranasan ko sa una kong flight sa OMUTA........doon sa SHIMBARA mababait ang mga tao.......siguro dahil sa probinsya  ang lugar,.... ang ugali nila medyo probinsyano ika nga.......... ang dami ko ipon........nakakatuwa nga kapag naaalala ko........pero hindi rin kalakihan kapag naipalit na sa peso....kasi ang value ng peso noon ....ang 100 yen =20.00 lang........ang baba pa ng palitan noon......ang buhay ko noon dun ay mahirap na masaya......lalabanan mo ang lungkot.....tiis..........tipirin mo ang sarili mo na wag gagastos ng kung anu-ano lang para maka pag uwi ka ng malaki sa pamilya mo sa Pilipinas.........tibayan ang tyan dahil halos gabi-gabi iinom ka.....kailangan e.......parte kasi ng trabaho namin yun,ang kumita yung club.........dahil nga sa "bunso" ako ng mga beteranang mga kasama ko,isinasama nila ako sa mga date nila sa hapon........chaperon kung baga........masaya na rin ako .....kasi libre kain.........may konting pamimili..........tulad halimbawa na bigyan kami ng pang pasalubong sa Pilipinas ng chocolate at cup noodles.......minsan kasi may galante hapon or sadya lang na mapag bigay...........tuwang-tuwa naman ako kasi dami ko maiuuwi sa Pinas..........at dahil sa kahirapan namin sa buhay hindi pa nakakatikim ang nanay at kapatid ko ng imported kung baga kaya ganun na lang ang tuwa ko........may isang matandang customer.....hindi ko alam kung dahil sa kalasingan nya or natuwa sa akin........binigay nya sakin yun kanyang relo...........and you know what?!........seiko pa ang tatak..........noong araw kapag yung ganung maker ng relo matutuwa ka na at imagine automatic pa............maganda yung model ng relo....sports type pa sya....pwede pa mabasa...hindi masisira.............pero itinabi ko pa rin yung relo incase na bumalik yung customer,...isoli ko..........pero hindi na nakabalik yung customer......siguro dahil sa kalasingan nya hindi nya na alam kung saan yung club namin kung gusto nya man balikan yung kanyang relo......sinabi ko yun sa mama san namin about relo......sabi naman sakin,iuwi ko na lang at ibigay sa ama ko.........kaya ako naman, syempre.......inuwi ko naman at binigay ko sa ama ko........pero ang magaling kong ama........kapag wala sya perang pang sugal or pang inom nya......isinasangla...........tapos ako rin naman ang mahihirapan sa pag tubos........dami ko sakripisyo sa mga naransan ko sa JPN............and worst bilang panganay na anak.......dami ko pasanin...........hindi ko na lang iniisip kasi sabi ko dami ko naman blessings...........yun na lang ikinakatwiran ko sa buhay..........natapos uli ang 6months contract,......balik uwi ng Pinas..........at the same time.....ganun uli routine ko,....kinabukasan report uli sa promotion......kasi ok na uli visa ko for the next flight........mabenta kasi ang beauty ng inyong lingkod (^^).....hehe he heeee......pag ka report ........sabay punta sa block market at nagpapalit ng yen....... natapos ko na rin bayaran ang nakuha ko house sa BULACAN.......yung mga naipon ko tip.......yun ang ginamit ko pang renovation ng bahay..........wala ako napakinabangan para sa sarili ko (ang mga kinita ko),pero maganda naman sa paningin ko at nakikita ko ang mga pinag hirapan ko..... kapag nakikita ko ang bahay namin...............nalilimutan ko ang mga lungkot at tiis.....kaya sabi ko.....sige......flight pa uli......he he heeeee(^^)

Monday, September 20, 2010

......after 6 months.....

hi........ eto na naman ako,sana andyan kayo kahit nothing especial ang blog ko sana po masiyahan kayo.....ituloy ko na po ang kwento ko......so natapos ko ang kontrata ko sa 1st flight ko sa OMUTA,JPN.ganun ang naging routine ng trabaho ko for 6 months........sa loob ng 6 na buwan hindi pa rin ako gaano marunong mag nihonggo,i mean hindi pa deretso maka pag salita ng hapon na maiintindihan(ng hapon na kausap ko).......natanggap na namin ang 6 na buwan na sweldo sa airport na (ng JPN),..........pati ang passport namin.ganun po ang rules ng promotion na napasukan namin,sabi nila para sure daw sila na hindi kami tatakas or  mag TNT(TAGO NG TAGO).marami rin kasing ganun ang ginagawa ng pinay kapag hindi nila nagustuhan ang job nila sa jpn..........unang sahod ko ng yen,bigay agad sa nanay ko,.......si madir maganda ang pangarap sa buhay,palibhasa di nya natupad ang pangarap nyang house&lot nung nag trabaho sya sa KUWAIT,itinuloy nya ang dream house nya,inilaan nya yung kinita ko sa pagbili ng bahay sa BALIWAG,BULACAN(BGY.MAKINABANG),dahil nga sa liit lang sweldo ko,pumayag yung may-ari na hulugan..........so nag down muna kami,lahat ng sinuweldo ko ibinayad namin,.....malaki yung bahay........yun nga lang for renovation ang kailangan..........kaya medyo nakamura na rin kami..........nakakataba rin ng puso kasi,imagine yun hirap ko for 6months makikita mo kung saan napunta...........and eversince nung maliliit pa kami......palipa't-lipat kami ng matitirahan namin,minsan umaabot pa sa halos paalisin na kami ng kasera namin dahil sa hindi makabayad ng upa......kasi naman....ang magaling kong ama...........alam nyo na.......dami kaya bisyo....sakit sa ulo ni nanay yun ahhhhh!!!!nakita ko lahat ang mga hirap ng ina ko sa ama ko........kaya naman ganito siguro ang  naging AKO.....(^^)......mabalik po tayo sa kwento........bumalik ako ng promotion,for report.........actually may visa na uli ako before na umuwi sa pinas..........kaya naman,punta agad sa  promotion para mag praktis ng show namin para sa susunod na flight.......2nd flight ko sa OKINAWA,MIYAKO JIMA.........parang pilipinas din ang klima,......grabe din ang init....kung sa JPN may winter,sa OKINAWA wala.....dun ang kalamigan lang dun parang probinsya na maginaw lang sa umaga.....walang winter doon......ang trabaho ko dun kakaiba.........impyerno ang tawag ko dun sa lugar na yun.....grabeeeeeeeeeeee  kasi sa inom.parang style pinas na tagay-tagay.......may tradisyon sila dun about sa inuman  na iinom ang lahat sa iisang baso.....matira ang matibay.........ang alak nila dun gawa sa bigas,awamori kung tawagin nila.......meron lang yun sa OKINAWA lang........kapag oras na ng trabaho.....kain talaga ako ng marami.....kasi masisira ang tyan mo sa alak.....hindi kasi uso pulutan dun......talagang inuman lang..........hindi na rin kami gaanong nakaka pag show sa dahilang mga lasing na rin kami.........kaya halos yung kontrata ko 6 na buwan uli puro inum........lasing gabi-gabi...........ang laki nga tinaba ko nung mapunta ako sa OKINAWA.......papano binabawi ko na lang ng kain........dahil masisira talaga bituka mo sa alak........masaya na malungkot ang naging karanasan ko dun.....minsan kapag mga lasing na,daming happennings......merong may iiyak na lang bigla sa sobra kalasingan,meron naman may lasing na hanap away!!!!susme!!!!parang lalaki........he he heeeee........bihira din ang tip dun.......hindi ko alam kung kuripot ang mga tao dun or sadya lang na maliit na isla(ng JPN) kasi na wala naman kalakihang pagkakakitaan ng mga tao dun..........karamihan doon mga mangingisda...........tiniis ko ang 6 na buwan......araw-araw laman ng tyan mo alak........uuwi ka ng apartment mo lasing na lasing..........susuka ka sa banyo........na halos wala ka ng maisuka.....bumabaligtad ang tyan mo........ang may ari ng club,maganda rin makisama samin......kapag marami kaming nainom nung gabing yun,kinabukasan....binibigyan nya kami ng pakunsuwelo(tip)....bilang pasasalamat nya dahil kumita yung club nya sa dami naming nainom........mahirap na masarap.....kasi may dag-dag ang maiuuwi mo pera bukod sa sweldo mo........at may pang bayad uli ako dun sa kinuha ko bahay sa BULACAN.............kaming mga nag ja japan....maraming sakrispisyo sa buhay.....alam ko,na lahat ng nag aabrod marami rin sakripisyo hindi lang ako,pero ang ibig ko sabihin,hindi lahat ng nag ja japan marumi sa paningin nyo,marami rin kaming hirap na dinaranas para lang kumita ng yen,maiuwi sa mga mahal sa buhay........dami ko iyak........hirap........tiis.........hindi mo naman masabi sa mga magulang mo na naghihirap ka sa kalagayan mo......kasi wala naman nag pumilit na mag JAPAN ako.....ako naman sarili ko ang nag desisyon.......pagkalipas ng 6 na buwan.....uwi ng pinas,kinabukasan,nag punta uli kami dun sa may ari ng bahay (sa BULACAN)...nag hulog uli ako ng 2nd downpayment ko........mabait yung may ari,pwede na raw kami lumipat..........kaya year '93 ng umalis kami ng PANDACAN...........medyo malungkot kasi sa PANDACAN na ko lumaki't nagkaisip,.....dami ko rin maiiwan na mga kaibigan..........pero mas masaya kasi lilipat na kayo sa bagong titirhan mong bahay na pinag hirapan mo(^^)............

Monday, September 13, 2010

1st timer............


sa club ang trabaho namin,dancer na hostes pa,may showtime ng 11:30 at 1:30 ng gabi,......before kasi nag flight ,nag praktis na kami ng mga isoshow namin (sa club),kaya pala hataw ang praktis namin sa promotion (sa Makati),after na nakapasa kami,ng  makuha namin yung yellow card..halos araw- araw walang humpay ang praktis,ang show nga pala namin pang entertainment....group dancers kami,hindi tulad ng nakita ko  na nag soshow na may topless nung unang dating ko that night.natapos ang trabaho namin sa club alas 2:00 pasado na, dali-dali kami lumipat sa iba  room naman ......snack naman kung tawagin,counter lang ang lugar nya,maliit lang ,parang extra job pa namin...sabi ko nga"hayyyy naku,ganito pala ang magtrabaho sa ibang bansa,double work"...."kumita ka nga naman ng yen....tag-tag ang katawan mo sa trabaho.alas kwatro  na ng madaling araw kami na natapos sa snack..........dahil sa bagong dating pa lang kami mga 1st timer at may bagahe,hinatid kami ni manager(ng club)sa apartment namin.....medyo malayo rin ang lalakarin  pala magmula sa club, papunta at pauwi....ang hirap din lalo na malamig....nung time na dumating kasi ako sa JPN.....Omuta(1st flight)winter...........biruin mo lalakarin mo pag papunta kana sa club para pumasok...e bandang 6:00 ang time kasi mag hahanda ka pa sa club ng mga baso....prepare mo pa yun oshiburi(pamunas ng mga customer ng kamay)mga beer,alak.....mag vaccum ka pa the whole club para mag linis,linisin mo rin yung toilet(men &women)......ganun kahirap ang hostes sa japan.....e samantalang ang sahod lang namin mga 1st timer e 200 dollar lang.....opo....nag tyaga ako sa ganun presyo.....starting salary po namin yun.for 6months,bilangin mo lang ang kikitain mo hindi ganun kalakihan.......kaya pag may showtime na kami bumabawi na lang kami sa tip ng mga customer,minsan may mga galante,minsan may mga kuripot.....gusto nila hihipo muna sayo bago ka bigyan ng tip......e ako sabi ko "sayo na lng ang tip mo " sabay isnab.yung mga beterana....alam nyo na........sanay sa ikot ng ganung trabaho.......totoo nga ang kasabaihan......kapit sa patalim bayan ko.......kaya ang image sa mga pinay na nag ja jpn,ganun na lang......hindi naman ako sa nagmamalinis pero hindi kaya ng sikmura ko,lalo na yung customer may amoyyyyy.....ngekkkkkk....di ko ma take!!!pero hindi ibig sabihin na nag papa take out sila ha,di rin kasi ako sigurado dahil hindi ko naman nakita sa sarili kong mata......i mean....sanay na sanay na sila paikutin ang customer kung pano sila kikita ng extra money nila......1st timer ako hindi ako ganun kalakihan kumita nung umuwi sa pinas......kung ano lang sweldo ko for 6months yun lang....konti tip pag may show kami......in short sa 1st timer batch ako yata ang talo pag nagbilangan na sa kita........hindi rin ako gaano sinuwerte....siguro mapili ako sa customer na kakausapin ko......kasi naman karamihan sa kanila mahilig manghipo....gusto maka iskor....gustong makatikim....alam nyo na......pero mabenta ang mga 1st timer sa club...pag dating sa mga request.....lalo na pag bata.......maganda......kasi gusto ng mga hapon hindi gaano nakakaintindi ng language nila.....kunbaga di ka pa marunong......manghingi ng kung anu-ano......ang beterana kasi sanay na sanay na sa hapon na bili mo  ko nyan bili mo ko nun......he he heeeeee.......kunbaga di pa magastos ang mga 1st timer........pero sadya talaga may customer na mapagbigay,kapag sinuwerteng natapat sayo.......may mga naging kasama ako na ganun,panalo sya.......swerte nya.....sana nga walang kapalit yung mga binigay sa kanya........ako kasi hindi sinuwerte ng ganun.........e halos ang napatapat na customer sakin kasi may gustong kapalit........kuuuuuu di bale na lang!

Saturday, September 11, 2010

ng mapunta na sa JPN.........

pag tapos namin mag toilet,pinakain muna kami,dinala kami sa isang simpleng kainan,pero syempre tayong mga Pilipino kahit simpleng kainan lang maganda nasa paningin natin kasi nasa ibang bansa.ako hindi ako gaano nakakain kasi hindi ko kilala mga pagkain or luto ng hapon,pero naintindihan ako ng amo namin kaya umorder pa sya ng ramen,ang ramen kasi kahit hindi mo kilala ang luto,masarap......naku!ang sarap nga....actually yung una ko flight at uwi sa 'Pinas umabot ang kilo ko sa 60kls(^^)he he he....pero mamaya pa yung  kwento about dun...........then pagkatapos namin kumain,alis agad kami at tumuloy na dun sa club na pagtatrabahuhin namin,siguro mga alas8:00pm na ng gabi yun.pagkababa ko ng kotse nagulat ako sa entrance ng club,kasi my TV,na may nag so show sa loob ng club,nakuuuuuu half top less,mga pilipina nakangiti pa sila sa harap ng camera!!!nangangatog ako sa kaba,sabi ko sa sarili ko "ano ba to napuntahan ko"........."kaya pala kami binusog ng husto kasi hahataw kami ng ganitong klaseng trabaho"........naiiyak nako....."naku po LORD wag naman sana"pabulong ko,  habang kinukuha namin yun mga gamit namin sa kotse.napansin ata ako ng boss namin na ganun ang mukha ko,tinapik nya ko sa balikat ko,sabi nya"wag ka mag alala,hindi yan ang club na papasukan nyo"actually salitang hapon ang pagkakasabi nya,nag translate lng yung Pilipina beterana kasama namin.napangiti ako sa hapon,sabay bulong sa sarili ko "salamat po LORD".yung club na nag so show sa TV ay yun pala sa taas,2nd flr. yun club na may show na topless isang  building  kasi yun,so kami pala nasa 1st flr.hahahaaaaa,tawa ko sa sarili ko,sabay nakahinga ng maluwag.pag-kapsok namin sa club,pinapunta kami sa dressing room,"naku!trabaho agad,wala pa nga pahinga sa byahe mag hostes na agad",sabi ko sa sarili ko habang nagbibihis kami at re-touch ng make-up,kasi mga mukha na kami pindaga,haggard mga face namin.tapos tinawag na kami mula sa dressing room sabi samin nung manager ng club....."dali,trabaho na!"tagalog na salita yun ha!.....nagkatinginan kami mga 1st timer sabay tawa.......galing mag tagalog ha!e pano naman kasi beterana na rin sa mga 'Pinay....nakailang syota na rin ng pilipina.....gwapo naman kasi e.....pero d ko sya type.....he he heeeeee........e di eto na.....hiwa-hiwalay na kami ng table ng mga kasama ko 1st timer,bawat table na upuan namin may kasama kami beterana pinay para taga translate namin sa hapon na customer.....ako minanalas ata nung gabi yun,e pano yun naupuan ko customer e lasing na!1st night job ko,grabeeeeee sa hipo,.........mabuti na lang may kasama ako beterana para pigilan yun kalokohan ng hapon,magugulat ka na lang bigla ka na lng hihipuan......nag toilet ako.......umiyak.......naisip ko,....."ganito pala ang mundong pinasukan ko".......para akong bata....tinawag ko nanay ko......kasi po nung 1st time ko nag flight 19yrs old lang po ako.........nakaranas na ko ng kiss sa pass bf ko but never been DAMAGE!........naintindihan nyo po ba?he he heeeee............kaya ganun na lang ang iyak ko.....gusto ko ng umuwi ng 'Pinas that night,pero d naman pupwede dahil may kontrata ako pinirmahan,at may advance salary ako natanggap kasi kailangan ko iwanan ng pera sila nanay.......para pang gastos nila.hindi ko pala nasabi sa inyo na mula bata pa kami magkapatid,walang permanent  job ang ama ko,kumita man sa pagbabyahe sa jeep,sarili lang nya iniisip nya,bakit po?kasi pag may kita sa pagmamaneho ang ama ko,inum at sugal lang napupunta......makatanggap man ang nanay ko pang ulam lang para sa araw na yun.mapunta uli tayo sa usapan..............nung matapos ang iyak ko,inayos ko uli mukha ko,re-touch uli ng make-up,para hindi halata........sabi ko "kaya ko to"...."kung sila nga kaya nila ako pa!"at sabi ni nanay sakin,wag ka makakalimot tumawag sa LORD,lagi sya nakagabay sayo kapag matibay ang panalangin mo sa kanya........pag balik ko sa table,nilipat ako sa kabilang table,pinaiikot kami sa lahat ng table pinakikilala na may bagong dating na 'Pinay......ganun pala!"hayyyyyy salamat!"bulong ko sa sarili ko habang papalapit ako dun sa lilipatan ko table........unang gabi ko pa lang kaya hindi pa makapag salita ng hapon, ang bati ko lang sa customer ay ngiti.......pero dapat bago ka umupo sa table ng customer kailangan ay babati ka sa kanila ng salitang...."IRASHAIMASE!"pa welcome mo sa kanila sa club,......natapos ang unang gabi ng job ko ganun lang......nakaupo.....taga timpla ng inumin ng customer,mga kasama sa table na 'pinay,taga punas ng baso kapag namamawis na yung baso(kasi natutunaw yung yelo).....ang ganda nga ng 1st night job ko,dali ng trabaho.....kumita nako ng yen.......he he heheeeee......

Friday, September 10, 2010

mula sa umpisa...........

hi kamusta po kayo????tawagin nyo na lng po ako sa name na Urby......Pilipina,laki sa hirap.....laking taga Pandacan.kwento ko lang po sa inyo kung pano ako nakarating dito sa Japan,.....after na nag graduate ako sa high school,kumuha ako ng exam sa De Ocampo for Nursing .ok naman ang exam ko,kaso wala ako pang tution,na delay kasi yung padala ni nanay galing Kuwait,nasa abrod sya nun,kaya nadelay....ginera kasi ni Sadam yung bansang Kuwait.na letse ang enroll ko......nag work na  lang ako as a promo girl sa supermarkets sa 'Pinas.hirap kumita,pamasahe mo pa sarili mo kulang na kulang ang sweldo,hirap maging bread winner ka lalo na kun maliit lang kita,ako kais panganay samin,dalawa lang kami magkapatid kaya lang sa hirap ng buhay....d kakayanin ang kinikita ko......nung time na nasa abrod si Inay,may bisyo pa ang ama ko.....dami namin utang....naturingan nasa abrod si Inay,hind matapos-tapos ang mga bayarin namin....medyo nag ka problema pa ko sa kapatid ko,nagkaroon kasi ng barkada...ewan ko kung implwensya ng barkada or ginusto nya rin........nag drugs!rebelde na rin kasi sa ama naming magaling........Anyway po ituloy ko na ang kwento kung bakit ako andito sa Japan,.....after grad ng high school,nag work nga as a promo for 1year and half.may nakasama ako na nag papraktis ng sayaw sa promotion daw....ask nya ako kung gusto ko rin daw kumita ng yen......sa hirap ng buhay,...sabi ko "oo naman".....sinamahan nya ako sa promotion,tanggap naman ako agad...at wow! may pocket money!yun pala pera mo yun para pang gastos bago ka maka pag flight.year '90 una ko flight papuntang Japan. talaga kabado ako kasi pag sinabing JPN,japayuki...pokpok....kung tawagin sa 'Pinas.....pero nawala sandali yung mga pag-alala ko nung una ko kita sa JPN,iba ang hangin kung ikukumpara sa 'Pinas......maganda....malawak!iba rin ang toilet nila....natatawa nga ako nung una pa lang ako dito sa JPN....lahat moderno....hindi mo na kalingan paikutin para buksan yung gripo,itapat mo lang yung kamay mo lalabas na yung tubig.......nagtawanan kami ng mga kasama ko....pano wala kasi satin yung ganun ka moderno na toilet.........